KUMBINSIDO ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na hindi isang aksidente ang pagkamatay ng mga mga start players ng Ateneo de Manila University sa isang beach resort sa Dipaculao, lalawigan ng Aurora.
Sa isang pulong balitaan, partikular na tinukoy ni CIDG Director Major Gen. Roberto Morico ang trahedyang kumitil sa buhay nina Rene Baterbonia at Divine Adili habang nasa “training.”
Batay aniya sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na alam ng mga atleta at ng coaching staff na malakas ang alon at agos ng dagat sa resort nang isagawa ang kanilang walking at stationary jogging exercise.
Bukod kina Baterbonia at Adili, may apat na iba pa umanong manlalaro ang muntik nang malunod sa parehong pagkakataon. Sa kabutihang palad, agad na nasagip ang mga hindi pinangalanang players.
“The majority of them were in the water. They were aware that the current was strong. They said they were walking and then came to a stationary jog,” dagdag niya.
