BAHAGYANG naibsan ang suliranin ng mga residente ng isang barangay sa Davao Occidental matapos ipahiram ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “desalinator” na gamit ng mga bantay-dagat sa paglalayag.
Ayon sa PCG, higit na mahalaga tugunan sa paraan ng relief operations ang mamamayan sa Barangay Butulan, sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental. Kabilang ang naturang bayan sa mga lubhang apektado matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Davao region.
Paliwanag ng PCG, desalinator na maglilinis ng tubig para maging ligtas na inumin ay may kakayahan magbigay ng hanggang 10,000 litro ng “potable water” kada araw.
Sa isang kalatas, nanindigan ang PCH sa kahalagahan ng pagdadamayan sa panahon ng kalamidad.
