WALANG plano ang pamunuan ng Kamara itigil ang tulong sa mga lugar na apektado ng magnitude 7.8 na lindol hanggat hindi pa tuluyang nakakabangon ang Mindanao.
Sa isang pahayag, tiniyak ni House Majority Leader Sandro Marcos kasabay ng giit na patuloy ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng Kamara — sa pangunguna ni House Speaker Faustino Dy III, sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, gayundin sa mga kapwa mambabatas at mga local official sa mga distrito, lalawigan, lungsod at munisipalidad na lubhang napinsala ng lindol noong Hunyo 8.
“We are in constant communication with all of those affected to make sure that the leadership gives everything that it can sa ating mga kababayan na apektado,” wika ni Marcos.
Aniya, ang tulong na ipapadala ng Kamara ay nakabatay sa rekomendasyon ng local officials o namumuno sa bawat komunidad na grabeng nasalanta.
“Whether it be MAIP or medical assistance, whether it be relief goods, whether it be anything that the House can provide,” garantiya ni Marcos.
Binalikan din ni Marcos ang pagbisita ng mga kongresista sa pangunguna ng House Speaker, sa General Santos City at Sarangani para personal na makita ang naging pinsala sa imprastraktura, gayundin sa kabahayan.
