PRINSIPYO at paninindigan ang tanging pinanghahawakan ni Senador Bong Go sa likod ng desisyon manatili sa minority bloc — may kasama man o wala.
Ito ang pahayag ng senador matapos mag ober-da-bakod ang mga kasamahan sa minorya.
Para kay Go, panahon nang tutukan ang serbisyo sa taumbayan. Lalo na’t ilang linggo rin aniyang nasayang sa aniya’y magulo at mala-karnabal na sitwasyon sa Senado.
Panawagan ni Go sa mga kasamahan sa gobyerno, unahin ang kapakanan ng mga Pilipino lalo na ang mga lubhang apektado ng umiiral na krisis sa bansa.
Pinasalamatan naman ni Go si Senador Alan Peter Cayetano at iba pang nanindigan at nanatili sa hanay ng minorya.
