HINDI biro ang tatlong magkakasunod na insidente ng karahasan sa loob ng mga pampublikong paaralan sa Tacloban at Cavite, ayon kay Senador Raffy Tulfo kasabay ng panawagan sa paggamit ng surveillance system sa loob at labas ng pasilidad.
Para kay Tulfo, napapanahon nang ikonsidera ng pamahalaan ang matagal nang mungkahi sa pagkakaroon ng CCTV camera at karagdagang security personnel at iba pang hakbang upang maagapan ang mga insidente ng karahasan.
Aniya, malaking bentahe sa crime prevention ang CCTV hindi lang sa loob ng paaralan, gayundin sa lansangan.
Kabilang rin sa mungkahi ng senador ang pagdedeploy ng mga guwardiya at paggamit ng metal detectors sa mga pasukan.
“With the increasing number of violent incidents in schools, many of which involve students themselves, it is high time that this measure be enacted into law,” pahayag ni Tulfo.
