TUMANGGI mag komento ang Department of Justice (DOJ) sa isinusulong na amyenda sa batas na nagtatakda sa edad na baseman sa pananagutan ng mga batang sangkot sa krimen.
Sa isa press briefing, partikular na tinukoy ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez ang panuntunan ng sa criminal liability na nakapaloob sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
Lumutang ang panawagan matapos ang pamamaril ng dalawang menor-de-edad sa loob mismo ng San Jose National High School sa Tacloban City.
Paliwanag ni Martinez, may umiiral na batas para sa mga menor-de-edad na sangkot sa krimen, partikular ang mga edad 18 pababa.
Aniya, mandato ng Kongreso punan ang mga pagkukulang ng batas — kung meron man.
