PERSONAL na nagtungo sa Office of the Ombudsman ang isang provincial board member ng Laguna para magsampa ng kasong graft laban kay Laguna Gov. Sol Aragones.

Batay sa reklamong inihain ni Board Member Lorenzo Zuñiga Jr., may mga irregularidad sa implementasyon sa pamamahagi ng financial assistance para sa mga benepisyaryo ng Civil Service Review Program.

Partikular na tinukoy ni Zuñiga ang P15,500 na inilaan umano sa bawat benepisyaryo ng review program, gayundin ang legal at budgetary basis ng programa, mga alituntunin, billing at payment records, at patunay ng aktwal na pagtanggap ng mga benepisyaryo.

Samantala, kinondena ni Aragones ang umano’y pagpapakalat sa social media ng reklamo laban sa kanya bago pa man niya natanggap ang kopya ng reklamo mula sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Aragones, malinaw ang motibo sa likod ng pagpapakalat ng reklamo — ang sirain ang kanyang reputasyon, sa ngalan ng pulitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *