MATAPOS ang paulit-ulit na pang-iisnab, biglang lumutang sa Department of Labor and Employment (DOLE) si dating Ateneo head coach Tab Baldwin para dumalo sa clarificatory hearing ng ahensya.
Kasama ang mga abogadong kinilalang sina Atty. Janela Carla Flordeliza at Atty Daniel Darvin, nagpahayag ng kanhadaan ang dayuhang collegiate basketball coach sa imbestigasyon ng DOLE sa status ng pagtatrabaho ni Baldwin sa Pilipinas.
Pinangunahan ni Labor Secretary Francis Tolentino ang pagdinig kasama sina Atty. Gerard Mosquera at Labor Arbiter Catherine Parado.
Samantala, muling nagtakda ng pagdinig ang DOLE sa Huluo 9.
Kabilang sa mga inaasahang dumalo ang mga opisyal ng Ateneo de Manila University.
Iniimbestigahan din ng National Bureau of Investigation (NBI) si Baldwin sa insidente ng pagkamatay ng mga atletang sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa “team-building activity” sa lalawigan ng Aurora.
