PABOR ang Palasyo sa mungkahing ipagbawal ang pagdadala ng mga estudyante ng cellphone sa paaralan.
Partikular na tinukoy ni Palace Press Officer Claire Castro ang inilabas na direktiba ng isang alkalde sa Cebu.
Sa kumpas ni Dumanjug Mayor Efren Guntano Gica, ipinagbabawal sa nasasakupang bayan ang pagdadala ng cellphone sa loob ng paaralan. Sa ilalim ng kautusan ng aklade, kukumpiskahin ang gadget — pero ibabalik bago matapos ang school year.
Bagamat maganda umano ang layunin ng total cellphone ban ni Gica, nilinaw ni Castro na hindi nararapat na kumpiskahin at i-kustodiya ang nasamsam ng cellphone hanggang sa matapos ang school year.
“Maganda naman yung kanyang layunin para mas magkaroon ng concentration ang mga bata sa kanilang pag-aaral. Pero hindi ko masasabi kung yung penalty ay nararapat, kung ito ba ay rasonable,” ani Castro.
Ayon kay Castro, hindi na saklaw ng mga lokal na pamahalaan ang polisiya sa loob ng paaralan.
