HINIMOK ni House trial spokesperson at Kabataan partylist Rep. Renee Co ang hanay ng young Filipinos na subaybayan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte mula sa unang araw hanggang sa paglabas ng hatol.
Para sa abogadong neophyte legislator, ang paglilitis sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay pambihirang pagkakataon kung saan makikita kung paano umiiral ang demokrasya at constitutional accountability sa bansa.
“I encourage our young people to watch the proceedings from Day One. Seeing viral clips or social media summaries will not be enough. Watch the process unfold. Understand how processes work and why accountability matters in a democracy,” pahayag pa ni Co.
“This is one of those defining moments that future generations will read about in history books. Today, you have the opportunity to witness it as it happens. I hope our youth will see not just the politics, but the principles that underpin our Constitution,” dagdag niya.
Hiniling din ni Co sa mga kabataan na responsableng maging kabahagi ng impeachment proceedings sa pamamagitan ng pagiging may alam, magalang na pakikipag talakayan at hingin sa public official ang pagkakaroon ng integridad.
“Your voice matters. Ask questions. Engage in respectful conversations. Hold all sides to high standards. Democracy becomes stronger when citizens—especially the youth—are informed and actively engaged,” hirit pa ng lady solon.
Sa panig ni Deputy Speaker Jay Khonghun (Zambales 1st District), nanawagan siya sa buong sambayanan na manatiling mapanuri sa pagtutok sa impeachment trial.
Partikular na tinukoy ni Khonghun ang nakaambang hakbang ng defense panel na idiskaril ang prosesong nagsusulong ng katotohanan at pananagutan sa hanay ng mga opisyales sa pamahalaan.
“That is why the defining question is not who wins a procedural argument. The defining question is whether the impeachment trial will be allowed to begin in earnest,” mariing sabi ni Khonghun.
“Mula nang maisampa ang Articles of Impeachment, maraming usaping legal ang umikot hindi sa ebidensya kundi sa kung dapat pa bang umabot sa ebidensya ang paglilitis. Kaya ang tunay na isyu ay simple: Makakarating ba tayo sa ebidensya?”
Sinegundahan naman ni Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V ang pahayag ni Khonghun at sinabing mahalagang maintindihan ng bawat mamamayan ang pangyayari sa impeachment trial.
“Hindi araw-araw nagkakaroon ng impeachment trial laban sa isang nakaupong Vice President. Isa itong pambansang pangyayari na magiging bahagi ng ating kasaysayan. Kaya sana ay maging saksi ang bawat Pilipino,” ani Ortega.
“I encourage everyone to watch the proceedings live from Day One. Listen to the arguments as they are made. Observe how the Senate Impeachment Court conducts itself. Form your own conclusions based on what you personally see and hear,” dagdag ng kongresista.
Pinaalalahan din ni Ortega ang publiko na maging maingat sa mga impormasyong kumakalat sa social media, na huwag agad magpadala at tiyaking hindi fake news, paninira lamang o para paboran ang isang panig.
“Sa panahon ngayon, isang 20-second video puwedeng magmukhang buong katotohanan kahit putol-putol lang ang ipinakita. Mas mabuti pa ring panoorin ang buong proseso,” aniya pa.
“Ang pinakamabisang panlaban sa fake news ay hindi argumento. Katotohanan ang panlaban sa fake news. At makikita ang katotohanan kapag pinanood natin mismo ang paglilitis.”
