DEAD on the spot ang isang pulis matapos paputukan ng mga miyembro ng sindikatong target sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ang nasawing pulis na si Corporal Anthony John Martinez ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Calabarzon Regional Police Office.
Batay sa ulat na natanggap ng Philippine National Police (PNP), nagtungo sa bahay ng target ang mga operatiba kasama ang civilian informant na tumayong ‘poseur-buyer.’
Hindi pa man ganap na nagsasara ang transaksyon, abad na nagpaputok ang mga suspek, dahilan para humati ng putok ang mga pulis. Nang humupa ang alingawngaw, duguan at wala nang buhay si Martinez.
Narekober sa lugar ang ilang mga ebidensya tulad ng basyo ng bala, droga at ang marked money na ginamit sa buy-bust operation.
Arestado ang isa sa limang miyembro ng sindikato. Patuloy naman ang pagtugis ng pulisya sa apat na iba pa.
