DAHIL kawalan ng intelligence report o sapat detalye, maituturing na kwentong barbero lang ang tinaguriang “Oplan Romanov” na ipinangangalandakan ng kampo ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong isa lamang “manufactured scenario” ng depensa ang assassination plot.
“If they cannot supply an intelligence or information to the NBI to have a basis to carry on with their investigation regarding this Oplan Romanov, I think this is, for me, a manufactured scenario,” wika ni Alonto Adiong.
Una nang ginamit ng defense panel ang “Oplan Romanov” na dahilan umano kaya nakapagbitaw ng pahayag ang bise presidente hinggil sa pagkuha ng assassin para paslangin ang First Couple at ang dating lider ng Kamara.
Sinabi ni Alonto Adiong na hindi naman binalewala ng NBI ang pagbubunyag ni Duterte sa Oplan Romanov gayundin ang pahayag ng isang Princess Maui hinggil sa sinasabing kill plot sa bise presidente.
Subalit sa kabila ng imbitasyon ng NBI kina Duterte at Princess Maui para bigyang-linaw ang ibinunyag, wala maski isa sa kanilang dalawang ang nagpaunlak sa paanyaya ng NBI.
“The common, ang ordinaryong tao magtatanong, if we’re talking about life and death situation, especially if there’s an attempt to wipe out your family, would it be that the topmost priority of everybody na dapat if you have that opportunity for the investigative agency to delve into this matter, you would grab it?” sambit ni Alonto Adiong.
“You will set aside all the matters that you are doing, precisely because it’s a life and death situation. It does not only concern you, it also concerns the safety of your family.”
Pag-amin ng kongresista, mahirap paniwalaan ang Oplan Romanov lalo’t hanggang ngayon ay hindi nagpapakita ng interes ang kampo ni Duterte na pa-imbestigahan sa kinauukulang ahensya ang ang sinasabing banta sa pamilya ng bise-presidente.
