SA gitna ng kabi-kabilang batikos at alegasyon, mas nagtitiwala ang mga mamamayan kay Vice President Sara Duterte kesa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa resulta ng pinakabagong survey na isinagawa ng Pulse Asia sa huling bahagi ng nakalipas na buwan, humataw sa 56 percent ang approval rating ng pangalawang pangulo, habang 29 percent lang ang nasungkit ni Marcos.
Sa larangan ng pagtitiwala, lumalabas na mas katiwa-tiwala si Duterte na nakasungkit ng 58 percent trust rating — malayo sa 28 percent na nakuha ng pangulo.
Ayon pa sa Pulse Asia, hindi halos nagbago ang performance at trust ratings ni Duterte kumpara sa resulta ng survey noong Marso 2026.
Sa kabilang banda, kapansin-pansin naman ang pagbaba ng approval at trust ratings ni Marcos ng seven percentage points, kasabay ng pagtaas ng kanyang disapproval at distrust ratings sa parehong panahon.
