MAS bet ng mga botanteng Pinoy maging pangalawang pangulo si Senador Bong Go kesa kay Robin Padilla, batay sa resulta ng pinakabagong survey na isinagawa ng Pulse Asia.
Sa datos ng Pulse Asia, nanguna si Go na nakasungkit ng 27 percent voter preference, habang pumangalawa naman ang kontrobersyal na si Padilla na nakakuha 21 percent.
Base sa survey na isinagawa ang survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 3, pinakamalaki ang suportang nakuha ni Go mula sa Mindanao kung saan nakapagtala ang senador ng 47 percent. Pumangalawa ulit si Padilla na nakakuha ng 38 percent.
Higit na kilala si Go sa akdang Malasakit Center Act na lubos na pinakikinabangan ng mga maralitang walang kakayahan magpagamot sa mga ospital.
Nasa malayong ikatlong pwesto sina Senador Bam Aquino at Grace Poe na kapwa nakatisod ng 14 percent.
Pasok din sa talaan ng mga napupusuan bilang bise presidente sina Erwin Tulfo na may 9 percent, Kiko Pangilinan na may 4 percent at MMDA General Manager Nicolas Torre III na may 0.5 porsyento.
