ARESTADO sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi bababa sa 35 katao — kabilang ang 26 na dayuhan, matapos mabisto ang ilegal na pasugalan sa lungsod ng Makati.
Sa bisa ng warrant, sinalakay ng mga operatiba NBI Organized and Transnational Crime Division ang Goraku Amusement Center na nagpapanggap umanong amusement arcade.
Bukod sa mga inaresto, narekober din ng mga operatiba ang 103 slot machines at mga payment scheme ledgers na gagamitin bilang ebidensya sa korte.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 sa illegal gambling.
Hindi naman tiyak kung kabilang sa mga dinakip ang may-ari o tagapamahala ng naturang sugalan.
