SA hangarin ibsan ang pagsisikip ng New Bilibid Prisons (NBP) sa lungsod ng Muntinlupa, ibinyahe ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 200 persons deprived of liberty (PDL) sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.
Sa datos na ibinahagi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., umabot na sa 16,530 PDLs ang naibyahe sa iba’t ibang Operating Prison and Penal Farms (OPPF) mula pa 2022.
Bahagi rin aniya ng paghahanda sa pagsasara ng pasilidad ang paglilipat ng mga preso sa ibang kulungan na nasa ilalim ng naturang kawanihan.
Para kay Catapang, hindi hamak na mas mainam ang kondisyon ng mga preso sa mga “bagong tahanan.” Target din kawanihan ilipat sa “bagong tahanan” ang nasa 5,000 iba pang PDL bago matapos ang taon.
