KUMBINSIDO ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malaking bentahe sa hanay ng mga obrero ang isinusulong na tax exemption na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa State of the Nation Address (SONA) kamakailan.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, mas malaki ang “take-home pay” ng mga manggagawa kung hindi na kakaltasan ng buwis ang buwanang sweldo.
Partikular na tinukuran ni Tolentino ang panawagan ng Pangulo sa Kongreso bumalangkas ng batas na magtatakda ng tax exemption sa mga manggagawang sumasahod ng P350,000 (mula sa umiiral na P250,000) kada taon.
Gayunpaman, nilinaw ni Tolentino — na nagsilbing senador sa ilalim ng nakalipas na administrasyon, kailangan muna amyendahan ang National Internal Revenue Code.
