INULAN ng batikos sa social media ang Sandiganbayan matapos paboran ang hirit ni dating Senador Bong Revilla na nahaharap sa non-bailable na kaso kaugnay ng flood control scandal.
Sa mismong araw na inihayag ng Sandiganbayan ang pasya, agad na naglagak ng piyansa ang kampo ni Revilla na tuluyang pinalabas sa seldang nagsilbing tahanan sa nakalipas na pitong buwan.
Nahaharap ang dating senador sa patong-patong na kaso – kabilang ang graft at malversation kaugnay ng umano’y P98-milyong ghost flood control project sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan.
Inaprubahan ng Sandiganbayan 3rd Division ang P1 milyong cash bond na nagbigay-daan para sa “provisional liberty” habang patuloy ang pagdinig ng kaso. Katwiran ng anti-graft court, bigo ang Ombudsman patunayan ang bigat ng ebidensya sa mga alegasyon laban kay Revilla.
Samantala, kinumpirma ng BJMP ang paglabas ni Revilla sa New Quezon City Jail dakong alas 6:00 Biyernes ng hapon.
