PINABULAANAN ni dating House Speaker Martin Romualdez ang alegasyon ni Ombudsman Crispin Remulla hinggil sa pagbawi sa testimonya ng tinaguriang Maleta Boys.
“The Ombudsman’s accusation that I am behind the recantations of the former Marines is absolutely not true,” bungad ni Romualdez sa isang kalatas.
“This shows how extremely prejudiced he is against me,” wika ng Leyte congressman bilang reaksyon sa paratang na siya umano ang nasa likod ng pagbawi sa ladga ng apat na nagpakilalang ex-Marines sa nilagdaang affidavit.
“The recantations prove what I had been saying all along that the accusations against me are false and trumped up. Hindi ganito ang patas na paghahanap ng katotohanan.”
Sa panayam ng GMA News, inamin ng apat na ex-Marines na nagsilbing bodyguard ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co na walang katotohanan ang affidavit na binalangkas ni Atty. Levito Baligod.
Binawi rin umano ng apat na ex-Marines ang nakasaad sa joint statement dahil hindi umano natupad ang usapang financial assistance. Wala rin anilang katotohanan na may natanggap silang pagbabanta.
Sa isang media briefing kamakailan, itinuro ni Remulla ang mga kampo ni Romualdez ang nasa likod nang pag-atras ng apat.
Pagtitiyak ng dating lider ng Kamara, hindi siya patitinag sa mga banat sa kanya — “I will face every accusation against me, defend myself with the facts, the evidence, and the truth.”
