PARA kay Senador Risa Hontiveros, hindi angkop ibaon na lang sa limot ang bangungot na dulot ng Martial Law sa panahon ng diktadura ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Sa isang mensahe, partikular na kinalampag ni Hontiveros ang hanay ng mga kabataan, kasabay ng hirit na huwag kalimutan ang mga aral mula sa madilim na yugto ng kasaysayan ng bansa. Hindi rin aniya dapat itago sa hanay ng kabataan ang tunay na pangyayari sa panahon ng diktadura ng ama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Aniya, dapat alalahanin hindi lamang ang mga naging biktima ng pang-aabuso noong martial law kundi maging ang mga Pilipinong nagsakripisyo para ipaglaban ang demokrasya. “We should not allow the memories and the lessons from that dark and shameful period of our history to be forgotten,” wika ni Hontiveros. Binigyang-diin din ng senadora na kailangan patuloy na manindigan ang mga Pilipino laban sa malawakang katiwalian, kriminalidad at karahasan. Dapat din aniyang labanan ang kawalan ng kakayahan ng mga institusyon na tulungan ang milyon-milyong Pilipinong nahihirapan sa kahirapan, kawalan ng trabaho at kawalan ng access sa mga pangunahing serbisyo. “We have a duty to remember the past, and to take action for a better future.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Duterte: Mga kabataan hindi kaya protektahan ni Marcos Baste obligado sumipot, sumagot para iwas-contempt