PARA kay Vice President Sara Duterte, isang inutil na pangulo ang nakaupo sa Palasyo. Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ni Duterte ang walang puknat na karahasan sa mga paaralan, kabilang na ang pinakahuling insidente sa bayan ng Banga sa lalawigan ng South Cotabato. Ayon kay Duterte, bigo ang administrasyong Marcos pigilan ang karahasan sa mga paaralan kung saan karaniwang biktima ang mga mag-aaral. “Patunay ito na ang ganitong uri ng karahasan ay isang mapait na katotohanan na maaaring mangyari sa mga paaralan ng ating mga anak sa anumang oras,” wika ng pangalawang pangulo. “This reminds us that when a government prioritizes political consolidation over fundamental governance, the protection of children is inevitably compromised,” dugtong ng bise-presidente. Sumasalamin din aniya ang mga sunod-sunod na insidente sa laganap na karahasan na pinalala pa umano ng “kabiguan ng pamahalaan na tiyaking ligtas, payapa, at maginhawa ang pamumuhay ng mga Pilipino.” “Para kasi sa administrasyong Marcos, mas madali ang maging inutil, magnakaw, at magsamantala kaysa magsilbi nang tapat sa bayan.” “At sa halip na may makabuluhang aksyon at pagpapatupad ng kaayusan, ang administrasyong Marcos ay nakakulong sa walang katapusang laro ng political survival at consolidation,” aniya pa. Babala pa ni Duterte, posibleng mas marami pang kabataan ang malalagay sa peligro dahil sa kapabayaan ng pamahalaan. “Countless more Filipino children remain at risk of becoming casualties of this government’s incompetence and neglect. We deserve better leadership than this.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Dating parak bet tumestigo vs. Digong sa drug killings Lupit ng Martial Law, huwag ibaon sa limot — Hontiveros