TIKOM ang bibig ng Palasyo sa hirit na pagsuspinde ng ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo sa kabilang ng patuloy na pagsipa sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Sa isang ambush interview, nilinaw ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na nasa kamay na wala sa kamay ng Pangulo ang desisyon kung sususpindihin ang ang excise tax sa mga produktong petrolyo. Ayon kay Garin, kailangan magmula sa mga economic managers ang rekomendasyon bago pa man magpasya si Marcos, kasabay ng giit na hindi tinutulugan ng Pangulo ang sentimyento ng mga mamamayang Pilipino. “Baka inaaral pa… I haven’t gotten an update but they are already studying what will be the proposal or if ever they will or will not recommend it to the President,” pahayag ni Garin. Sa ilalim ng Republic Act 12361, may sapat na kapangyarihan ang pangulo suspindihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa sandaling pumalo sa $80 ang presyo kada bariles ng langis sa World Market. Sa datos ng inilabas ng ahensya, umabot na sa $107 ang bawat bariles ng langis sa world market dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East. “Ang DOE nag-certify na pwede na sila magdecide because it has reached the limit already. But I don’t know what the decision yet right now because it will be presented in the committee, by the DBCC (Development Budget Coordination Committee) and then kung anong recommendation nila, depending on, kailangan niya, i-assess nila inflation, what’s the impact in the economy, everything else which is not DOE, they will decide,” paliwanag ni Garin. Sakaling suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo, mababawasan ng P10 ang presyo kada litro ng gasolina, P6 sa diesel at tig-P3 sa kerosene at LPG. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Duterte siguradong laglag sa tibay ng ebidensya — solon Dating parak bet tumestigo vs. Digong sa drug killings