OPISYAL nang isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang kasong grave threat laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y pagbabanta sa buhay ng Pangulo at dalawang iba pa.
Sa isang press briefing, Atty. Polo Martinez na tumatayong tagapagsalita ng DOJ ang paghahain ng kaso laban sa pangalawang pangulo.
Ayon kay Martinez, nakitaan umano ng prima facie evidence at matibay na ebidensya sa ginawang pagbabanta ni Sara sa habang naka-video noong Nobyembre 2024.
Sa naturang video, sinabi ni Sara na may nakausap na siyang papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at noo’y House Speaker Martin Romualdez — sakaling una siyang ipatumba.
