KUNG may dapat sitahin ang impeachment court, yun ay ang nasasakdal na pangalawang pangulo. Ito ang giit ni Kabataan partylist Rep. Renee Co na kabilang sa mga tagapagsalita ng House prosecution panel sa paninita ng Senate Impeachment Court sa mga naghahayag ng komento sa merito ng kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte. “Ultimately, kung may dapat sitahin ang impeachment court, si VP Sara iyon. Siya mismo ang bumabaluktot ng batas, lalo na sa kanyang questionable na paggasta ng Confidential and Intelligence Funds na hanggang ngayon wala pa rin sagot sa taong-bayan,” wika ni Co. Partikular na tinukoy ng kongresista “bending the law” statement ng bise presidente at ang tahasang pag-atake ng sa kredibilidad ng impeachment court. Anang Kabataan partylist solon, maeron din pahayag ng nasasakdal noong Day 4 ng impeachment trial kung saan sinabing “fabricated”ang mga ebidensya laban sa kanya at ang paglilitis sa kanya ay pag-aaksaya lamang ng public resources. Kung nais aniya ng Senate impeachment court na ipagtanggol ang kapangyarihan ng institusyon, dapat maging patas ang mga senator-judges sa pagpapatupad ng mga alituntunin para sa lahat ng panig. “Kung bawal bastusin ang impeachment court, dapat bawal para sa lahat… ‘one court, one standard’,” tahasang sabi pa ng lady lawmaker. Sa panig ni Atty. Benjamin Tolosa, Jr. counsel for the House prosecution panel at spokesperson, binigyang-diin niyang maaaring pumuna ang alinmang partido hinggil sa pangyayari sa pagdinig subalit walang sinuman ang dapat kuwestyunin o atakihin ang integridad ng mismong korte. Kaya naman ang dapat umanong gawin ni Duterte ay direktang ipaabot nito ang kanyang pagkontra sa impeachment court at personal na sagutin ang mga kinakaharap na kaso. “Imbes na atakihin ang integridad ng impeachment court, humarap siya dito at sagutin niya nang diretsa ang mga mabibigat na akusasyon laban sa kanya.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Abogado ni VP Duterte, sinopla ni Atty. Kapunan Bilyong estate tax ng mga Marcos, hindi pa bayad