HIGIT na nakakabahala kesa sa ‘sub judice’ ang hayagang pag-atake ng pangalawang pangulo sa kredibilidad ng husgadong dumidinig sa kinakaharap niyang kaso. Sa isang panayam, partikular na tinukoy ni private prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. ang alegasyon ni Duterte na mayroong pagbali sa batas mula sa pagsusulong ng impeachment complaints hanggang sa pagdinig ng impeachment court. Para kay Tolosa, mabigat ang banat ng bise presidente sa mismong impeachment court lalo pa’t nalalagay sa alanganin ang kredibilidad — hindi lang ang korte kundi maging ang buong impeachment proceedings. Garantiya pa ng abogado, wala maski isa sa hanay ng prosekusyon ang wala ang gumagawa ng mga pahayag laban sa korte. “I’m 100 percent sure that none of us have said anything that is as close, that is anywhere that is even remotely close to how alarming and concerning the statements of the VP have been,” aniya. Nagbabala rin si Tolosa na ang pag-atake ni Duterte sa impeachment court ay maaaring magresulta sa pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa prosesong nakasaad sa konstitusyon. Ayon naman kay House prosecutor at Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon, hindi lamang basta usapin ng merito ng kinakaharap na kaso ang banat ni Duterte, sa halip ito’y tahasang pag-atake sa Senate impeachment court. “It is basically questioning the credibility, the integrity of the court itself,” sabi ni Ridon. “The defense should actually talk to their client. Hindi ba? About the statements that she actually made, not against the prosecution but against the integrity of the court itself,” hirit pa ng House prosecutor. “Kasi tingin ko kung meron dapat ipaliwanag, yun depensa, yun pong akusado. Yun dapat pong pagpaliwanagin. Higit sa kahit sino man.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Kuryente ng mga politiko, pasok sa systems loss? Kita sa systems losses ayaw ilabas ng Meralco