KAHIT nakakulong, inisyuhan pa rin ng bagong warrant of arrest si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Bukod kay Guo, kaladkad din sa arrest warrant na inilabas ng Pasig Regional Trial Court Branch 67 ang 11 iba pang indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa katiwalian sa panahon ng panunungkulan bilang alkalde ng Bamban. Kasalukuyang nakapiit si Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa lungsod ng Mandaluyong matapos hatulan ng habambuhay na pagkakakulong para sa kasong qualified human trafficking — bukod pa sa P2-milyong multa. Kinumpiska na rin ng pamahalaan ang iba pang pag-aari ng alkalde kabilang ang Baofu compound sa Tarlac. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Estudyante ng DLSU-Manila nahulog sa gusali