HARANGAN man ng sibat, hindi na mapipigilan ang pagsasagawa ng kauna-unahang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kabila pa ng insidente ng pananambang kay Interim Chief Minister Abdul Raof Macacua nito lamang nakalipas na Sabado. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, walang dahilan para ipagpaliban ang halalan kesehodang may karahasan, terorismo o “force majeure.” Pag-amin ng Comelec chief, nakalulungkot ang nangyaring pananambang kay Macacua sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao del Norte. Gayunpaman, nilinaw ni Garcia na maliban sa naturang tangka sa buhay ng BARMM Interim Chief Minister, wala nang iba pang naitalang “election-related violence” sa naturang rehiyon. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation BARMM Chief Minister inambus sa Datu Odin