PARA kay Senador Panfilo Lacson, hindi sapat ang panukalang budget para ahensyang sumasagupa sa mga tiwali sa pamahalaan. Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Lacson ang mungkahing alokasyon sa Office of the Ombudsman, batay sa isinumiteng 2027 National Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management. Hirit ni Lacson, dagdagan ang budget para sa Office of the Ombudsman sa 2027 at mas malawak na fiscal autonomy para sa ahensya na katulad ng Judiciary Fiscal Autonomy Act (RA 12233). Iminungkahi rin ng senador ang paglalaan ng bahagi ng mga pondong ibinabalik sa national government mula sa mga kaso ng katiwalian, kabilang ang flood control scandal, para sa pagpapalakas sa kakayahan ng Ombudsman. “Kung may gain ang national government or Treasury sa restitution, part of that would be earmarked para madagdagan ang budget,” ani Lacson. “Maybe 10-20 percent of whatever amount is restituted should be earmarked and it’s covered by law so di pwedeng galawin ang part of the restituted amount,” dugtong ng mambabatas. Bilang tugon, pinasalamatan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si Lacson — “That’s very appreciated, we appreciate that very much.” Pag-amin ni Remulla, P12.796 bilyon ang panukalang budget na isinumite ng Office of the Ombudsman sa DBM. Pero sa pinal na bersyon ng 2027 NEP, ibinaba ng DBM sa P7.232 bilyon ang pondo para sa pinamumunuang tanggapan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Poa: Walang binigay na pondo para sa Youth Leadership Summit 5 testigo sa spy fund ni VP Sara, hirit ng prosekusyon