SINUSPINDE ang face-to-face classes sa ilang bahagi ng Luzon bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan na dala ng hanging habagat. Sa Metro Manila, kabilang sa mga lungsod na suspendido ang klase ang Caloocan, Malabon, Mandaluyong at Quezon City. Bagamat wala sa talaan ang Maynila, nagpasya naman si Manila Mayor Isko Moreno na kanselahin ng maaga ang klase para tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral higit lalo pa aniya’t patuloy ang panaka-nakang buhos ng ulan. Bukod sa limang lungsod sa Maynila, pasok din sa talaan ng mga lugar na suspendido ang klase sa lahat ng Antas ang anim na bayan sa Bataan, Calumpit sa lalawigan ng Bulacan, Carmona at Naic sa Cavite, tatlong bayan sa Pampanga, dalawang lokalidad sa Pangasinan at tatlong bayan sa Zambales. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 3 akusado sa Degamo slay, hinatulan ng Manila RTC Cyberscam hub sa Munti, bistado, 3 Intsik arestado