BAGSAK na ang timbang at halatang marina na si dating House Speaker Martin Romualdez bago pa naglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan. Ito ang giit ni House prosecution adviser at spokesperson Ace Barbers sa kanila umanong pagkikita ilang araw bago pa man pormal na isinakdal ng Office of the Ombudman ang dating lider ng Kamara. “You know, just about a week ago, no, I saw him, nagkausap kami. Nakita ko siya. In fact, the first thing I told him, sabi ko, ‘You lost a lot of weight,’ sabi ko, ‘from the last time,’” sambit ni Barbers. “You know, marami talagang sakit si Speaker Martin. Nakita niyo naman ‘yung kanyang itsura ngayon compared sa itsura niya, say, six months ago,” dagdag niya. Ginawa ni Barbers ang pahayag kasabay na rin sa pagtalakay kung kinakailangan manatili sa paggamutan si Romualdez habang dinidinig ang kinakaharap na kaso sa anti-graft court o ilipat sa ordinaryong kulungan matapos isilbi ang arrest warrant. Ayon sa dating Surigao del Norte congressman, ang napansin niyang pagbabago sa physical appearance ni Romualdez ay kapansin-pansin kumpara ilang buwan na ang nakaraan. “He was overweight six to eight months ago, but now, look at him now; he’s so thin, medyo frail ang kanyang itsura. Sa aking pagkakatingin sa kanya, he’s really very weak,” dagdag ni Barbers. Pormal nang nakapaghain ang kampo ni Romualdez ng mosyon sa korte para hilingin na manatili na lamang ito sa ospita dahil sa iba’t-ibang karamdaman. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pag-upo bilang testigo tinabla, VP iwas-pusoy