MALINAW na umiiwas sa pananagutan si Vice President Sara Duterte sa pagtanggi humarap sa paglilitis bilang testigo sa sariling asunto. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na tumatayong House prosecution spokesperson, may pagkakataon ang bise presidente na ipabatid sa mga senator-judges at sa sambayanang Pilipino ang kanyang panig sa bisa ng pagsalang sa witness stand. Una nang iginiit ng prosekusyon pagpapatawag kay Duterte para tumestigo sa sariling kaso. Ayon sa House prosecution spokesman, ang pagmamatigas ng bise presidente na lumantad sa impeachment trial ay malinaw na indikasyon na may itinatago sa publiko hinggil sa P612.5-million confidential funds. “Para po sa amin, it only means one thing: that she does not even want to explain to the public what happened to the confidential funds, which basically hindi masagot ‘yung lahat ng katanungan, and which basically even strengthens our own allegation na since yung accountability sa kanya at hindi niya ma-explain, talagang merong intensyon na paglaruan ang pera ng taong bayan,” sabi pa ni Alonto Adiong. Naniniwala naman ang Lanao del Sur solon na maaaring resolbahin ng Senate impeachment court ang usapin kung kailangang ipa-subpoena o hindi ang nasasakdal. “Pero for the court, may sarili ho silang appreciation diyan, no, and we don’t want to preempt the court on how they will, ano, how they will arrive into their own judgement base,” paglilinaw naman ni Alonto Adiong. Subalit nanindigan ang naturang mambabatas na walang ibang mas makapagbibigay ng malinaw na paliwanag sa mga tinatalakay na mga alegasyon sa bise presidente kundi ito lang mismo. “Hindi nga nasagot po ni Ms. Gina Acosta, hindi nga po nasagot ni Attorney Poa na at the same time, miyembro po siya ng depensa, yung katanungan: saan napunta? Bakit may utos na ilipat itong pera na ‘to sa mga unaccountable officers, at paano po nila ginastos?,” aniya pa. “Ang katanungan: saan napunta yung confidential funds?” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pagbabago sa voting threshold itataguyod Romualdez nanghihina na bago pa lumabas warrant