LALONG nadiin si Vice President Sara Duterte sa alegasyon ng paglulustay matapos aminin na hindi pangalan ng mga totoong tao, ang inilagay sa acknowledgement receipts (ARs) na nakatanggap ng confidential funds sa pangangasiwa ng pangalawang pangulo. Ito ang binigyan-diin ni House prosecution adviser and spokesperson Ace Barbers kung saan sinabi rin niyang ang ipinunto ng depensa na mga alyas lang ang nilalaman ng ARs ay lalong nagbigay ng maraming katanungan. “Alias ba because alibi niyo na ’yan? Alias ba kasi you’re running out of palusot, no, kaya sinabi niyo na lang alias ’yan? ” usisa ni Barbers. “Assuming, granting for the sake of argument, na siya ay alias, no. Ako lang, akin lang itong personal opinion, ladies, no, gagamit ka ba ng alias ng isang one-year-old?,” dugtong ng House impeachment adviser. Subalit ang mas hindi katanggap-tanggap aniya ay ang paggamit ng pangalan ng mga namayapa na para lang patunayan kung saan napunta ang daan-daang milyong confidential funds. “Makakakuha ka ba ng information, intelligence information sa isang patay na… 61 years ago pa namatay?” Kung pinapayagan aniya ang paggamit ng fictitious identities para itago o protektahan ang confidential sources, kailangan pa rin ipaliwanag ng depensa sa paggamit ng mga pangalang malinaw naman na hindi makapagbibigay ng kinakailangang impormasyon. “You can probably say Superman, Batman, Wonder Woman. Eto, not use names of those below 3 years old and those who have been long gone, 61 years old.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sablay lalabas sa bank statement, tax records Pagbabago sa voting threshold itataguyod