ANUMAN ang magiging kapasyahan ng Senate impeachment court sa pagtatakda ng voting threshold sa pagsasakdal kay Vice President Sara Duterte ay siyang magiging batayan at panuntunang maaaring sundin sa mga susunod pang impeachment proceedings. Ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, hindi naman ang pagrebisa sa voting threshold na itinakda ng Saligang Batas ang dapat asahang mangyari bagkus ay kung paano maipatutupad ng kasalukuyang sitwasyon ng impeachment court. “Actually, it’s not revising the thresholds kasi fixed na talaga po yung two-thirds, but how to translate that into an actual vote that would depend and we rely solely on the discretion and decision of the impeachment court,” wika ni Alonto Adiong. Binigyan-diin din naman niya na hindi nakatuon ang pansin ng prosekusyon sa kung ano ang kinakailangang bilang na boto ng senator-judges para mapatunayang nagkasala si Duterte, bagkus ay nananatiling nakatutok ito sa pagprisinta ng mga ebidensya at testigo bilang paninindigan sa mga inihaing kaso laban sa bise presidente. Sinabi ni Alonto Adiong na ang kinakaharap ngayon na hamon ng Senado, kapag nabigyan ng solusyong ay makatutulong sa susunod na impeachment trials, ay kung paano titimbangin ang personal na partisipasyon, pagboto at pagtugon sa constitutional responsibility ng mga senator-judges. “Ang inaasahan po natin kung ano po yung magiging desisyon ng ating korte ay alinsunod po sa kanilang hindi lang ho sa kanilang mandato, pero alinsunod din po sa kanilang objective, which is really to provide and secure, provide a clear definition on how do we hold these accountable officers to account in relation to really putting the public interest first and foremost,” aniya pa. Sang-ayon naman si House prosecution adviser at spokesperson Ace Barbers sa pagkuha ng Senado ng independent constitutional guidance kaugnay sa usapin ng voting threshold. “Sa akin, personally, I believe that that is necessary para sa ganun maliwanagan talaga lahat,” ani Barbers. “Kasi as we speak, no, there’s no controversy yet that could be the basis to raise this issue before the Supreme Court,” dugtong niya. “So an amicus curiae can provide data, information, and ideas, and opinions, no, based on how they crafted this Constitution in 1987. So malaking tulong yan para sa korte, malaking tulong yan sa bawat panig.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pangalan ng mga bata at yumao isinangkalan din Pag-upo bilang testigo tinabla, VP iwas-pusoy