MULING nakapagtala ng record-low ang halaga ng palitan ng piso kontra dolyar batay sa intraday record ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, dumapa sa pinakamababa sa halagang P62.865 ang palit sa kada dolyar nito lamang Lunes, Setyembre 14.

Sa pagbubukas ng intraday trading, bumungad ang piso sa P62.75 na indikasyon ng patuloy na paghina ng pananalapi ng bansa. Sa pagsasara ng intraday trading, pumalo sa record-low na P62.68 ang halaga ng piso kontra dolyar.

Samantala, sa paghina ng halaga ng piso, nagtala naman ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Inaasahan din ang panibagong big-time oil price hike pagsapit ng araw ng Martes, Setyembre 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *