TULUYAN nang nilusaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang value added tax (VAT) na ipinapataw sa allowable system loss charge na karaniwang ipinapasa ng Meralco at iba pang distribution utilities sa mga konsyumer.

Pero may kondisyon — kailangan pasok ang “systems loss” sa “cap” na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa ilalim ng BIR Memorandum Circular No. 97-2026, kinikilala ang allowable system loss charge bilang government-mandated charge na hindi isasama sa gross sales para sa VAT purposes.

Ang resulta — hindi na papatawan ng output VAT at creditable withholding tax on VAT ang nasabing system loss charge.

Gayunpaman, nilinaw ng BIR na hindi sakop ng exemption ang income tax at tinaguriang creditable withholding tax.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *