HINDI malayong makasama ng mga preso sa loob piitan sa Correctional Institution for Women (CIW) ang mga kawaning nagbabantay sa kanila.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Gen. Gregorio Pio Catapang ang napipintong pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa pitong BuCor officials na nakatalaga sa CIW sa lungsod ng Mandaluyong.

Ayon kay Catapang, may kinalaman ang ihahaing kaso sa mga umano’y irregularidad sa pamamahala ng pondo para sa babaeng preso sa Women’s Correctional.

Kabilang sa mga tinukoy ni Catapang sina dating CIW superintendents Daisy Sevilla-Castillote at Marjorie Ann Sanidad, pati sina Corrections Officer 2 Bianca Flor Ramos at Corrections Officers 1 Maryrose Abucay, Madel Figuerres, Gloria Lakisa at Charlot Jennifer Carreon.

Sa imbestigasyon ng BuCor Directorate for Intelligence and Investigation, milyon-milyong halaga ng trust fund para sa mga babaeng preso ang naglahong parang bula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *