SA kabila ng iniindang karamdaman, target ni Senador Loren Legarda bumalik sa Pilipinas sa Nobyembre, ayon kay Atty. Tony La Viña na tumatayong tagapagsalita ng mambabatas. Gayunpaman, nilinaw ni La Viña na kailangan muna tapusin ni Legarda ang gamutan sa bansang France. Para kay La Viña, walang dahilan para hindi umuwi ang senador lalo pa aniya’t may mga tungkulin kailangan gampanan ni Legarda bilang mambabatas sa mataas na kapulungan ng Kongreso. Wala rin umanong dahilan para umiwas si Legarda hinggil sa reklamong plunder kaugnay ng mga hindi natapos na solar energy projects na nagkakahalaga ng P10.44 bilyon. Aniya, wala pang pormal na kaso laban kay Legarda. Agosto 3 nang lumisan si Legarda sa bisa ng “medical leave” kasama ang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Dayunyor walang clue sa susunod na Chief Justice Mary Jane Veloso pinalaya sa bisa ng absolute pardon