KASABAY sa pagdiriwang ng National Tourism Month, nanawagan si Solid North partylist Rep. Ching Bernos sa mga kapwa mambabatas na pagtibayin ang panukalang batas na magbibigay ng pakinabang sa mga komunidad na nakakasakop sa isang tourist destination.

Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Bernos ang House Bill 3110 na mas kilala sa tawag na Community-Based Tourism bill. 

Para kay Bernos, marapat lamang na makinabang ang bawat komunidad sa kita sa tourism activities sa ginagawa sa nasasakupan.

“Communities deserve to benefit from the flow of tourism within their areas. That’s why it is only right that communities managing tourist sites get their fair share from tourism revenue,” wika ng partylist solon.

Sa ilalim ng akdang HB 3110, na nakabinbin sa House tourism panel, magtatakda ng transparent revenue-sharing mechanism sa pagitan ng local government units at mga komunidad.

Iminungkahi rin niya ang pagkakaroon ng minimum 30 percent of net tourism revenues sa community-managed sites kung saan ang pondo malilikom ay maaring gamitin ng komunidad sa re-investing programs o projects sa pamayanan.

Ang CBT ay kailangan din aniyang isama sa national at local tourism planning, policy, and governance at dapat ding bumuo ng Community-Based Tourism Support Program sa ilalim ng Department of Tourism (DOT) para sa pagbibigay ng grants, technical assistance, accreditation, at capacity-building services para sa community-led tourism enterprises. 

“A focus on CBT means we develop policies from the ground up, taking into account not only the specific tourist sites but also the people who will be tasked with managing them,” paliwanag ni Bernos

“A CBT approach is anchored on the principle that tourism should empower our communities. Makakapag-focus tayo sa capacity building, at mabibigyan natin ang mga komunidad ng dagdag na kakayahan na mapabuti ang kanilang kaalaman, pasilidad, atbp.”

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *