PAGKATAPOS ng implementasyon sa Metro Manila, mga minimum wage earners naman sa Central Visayas ang ginawaran ng P42 kada araw na umento. Sa bisa ng wage order na inilabas ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), ipatutupad ang p42 kada araw na dagdag-sahod sa Oktubre 14. Sa pagtataya ni Secretary Francis Tolentino ng Department of Labor and Employment (DOLE), papalo sa P1,092 ang idadagdag sa buwanang sweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Nasa 337,476 manggagawa mula sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor ang inaasahang makikinabang sa umento. Una nang ginawaran ng P60 dagdag sa arawang ganansya ang mga minimum workers sa Metro Manila. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Grade 9 namaril: 7 patay, 17 sugatan sa South Cotabato