MULING tiniyak ni House Speaker Faustino Dy III na mananatiling top priority ng Kamara ang sektor ng edukasyon, kasabay ng garantiyang bubuhusan ng pondo ang hanay ng mga guro, gayundin ang seguridad sa loob at paligid ng mga pampublikong paaralan. “Nakita po natin na napakahalaga po ng edukasyon sa bawat lugar, sa bawat barangay, sa bawat bayan at lungsod,” wika ni Speaker Dy sa ikalimang yugto ng LegisHear na ginanap sa Victorias City sa lalawigan ng Negros Occidental. “Pare-parehas po ang ating paniwala na ang tanging edukasyon, matatag na pundasyon ng edukasyon, ay isang parte na para mabigyan natin ng magandang kinabukasan ang bawat Pilipinong kabataan sa ating bansa.,” dugtong ng lider-kongresista. Nagpaabot din si Dy ng taos-pusong pagbati sa mga gurong dumalo sa nasabing programa, kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month. “Napakahalaga ng inyong tungkulin sa ating lipunan na hinuhubog natin ang kinabukasan ng ating mga kabataan,” aniya. Ayon kay Speaker Dy, ang edukasyon ay masidhing tinututukan sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang 2027 national budget. “Pinag-iingatan natin at tinitiyak natin na bawat sentimo na pinagpawisan ng ating mga kababayan ay tama ang paglalagyan nito,” saad pa niya. Higit pa sa pangangailangan paglaanan ng sapat na pondo ang edukasyon, mahalaga rin aniya marinig ang saloobin ng mga guro, magulang, lokal na opisyal at komunidad hinggil sa problema at hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral, sa loob man o labas ng eskwela. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 7 minero natagpuang patay sa Itogon tunnel Marcos, Dy dumalo sa oath-taking ng DepEd personnel