PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Faustino Dy III ang mass oath-taking ng 4,244 newly-promoted at newly-hired Department of Education (DepEd) personnel sa Santiago City Sports Arena, Isabela.

Si Education Secretary Sonny Angara ang nangasiwa ng panunumpa ng nasa 3,047 teachers at school principals na na-promote sa ilalim ng the Expanded Career Progression (ECP) mula sa nine schools division ng Cagayan Valley Region.

Kasama rin nanumpa rin ang 1,197 newly hired personnel, na kinabibilangan ng 328 school principals, 612 administrative officers at 257 project development officers. 

Para kat Dy, malaking bentahe ang ECP system nqa aniya’y nagbukas ng maraming oportunidad para sa career advancement, habang ang karagdagang non-teaching personnel ay makatutulong para maibsan ang administrative workload ng mga guro at mas mapagtuunan ng atensyon ang pagtuturo.

Matapos ang nasabing mass oath-taking, tumungo sina Marcos at Dy, kasama ang iba pang delegasyon sa Patul Elementary School sa Santiago City.

Tampok sa naturang paaralan ang Home-Grown School Feeding program, na nagkakaloob ng mga masustansyang pagkain gamit ang mga produktong ani ng local farmers at ng Kaagapay Program, na nagtataguyod sa mga magulang, caregivers para sa kabutihan at kaligtasan ng mga bata.

Dumalo rin sa naturang okasyon sina Isabela 4th District Rep. Joseph Tan, Isabela Gov. Rodolfo Albano III, Santiago City Mayor Alyssa Sheena Tan-Dy at Echague Mayor Faustino “Inno” Dy. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *