WALA ng buhay nang ilabas ng search and rescue team ang tatlong manggagawang nakulong sa lifting station ng isang gusali habang nagsasagawa ng maintenance work sa Davao City. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasawi ang isang engineer at dalawang maintenance crew dahil sa nakakalasong carbon monoxide na nakaimbak sa sewage treatment facility ng Dusit Thai Hotel. Ayon kay Fire Senior Inspector Frances Marie Sendrijas, na tumatayong tagapagsalita ng Davao City Fire District, patay na nang datnan ang mga hindi pinangalanang biktima. “We cannot just release our responders na alam naman na hazardous pa talaga yung area. So the presence of any hazard ina-access talaga natin yun,” dugtong ng BFP official. Aniya, hindi naging madali ang p[agresponde ng rescue team dahil sa mataas na antas ng carbon monoxide. Katunayan aniya, kinailangan pa magsuot ng “self-contained breathing apparatus” ang mga tauhan ng Davao City Fire District para maabot ang eksaktong lugar kung saan naipit ang mga manggagawa. Patuloy naman ang imbestigasyon sa hangarin matukoy ang responsibilidad sa naturang insidente. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sarangani muling niyanig ng malakas na lindol