NADISKARIL ang klase sa San Pablo City Science Integrated High School matapos saksakin ng isang grade 7 student ang kaklase sa loob mismo ng paaralan.

Sa ulat ng lokal na pulisya, nangyari ang insidente dakong alas 12:00 ng tanghali habang naka-lunchbreak.

Kwento ng mga saksi, tinawag umano ng hindi pinangalanang suspek ang biktima tawagin sa gilid ng gusali ng paaralan at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang kaklase sa leeg gamit ang isang maliit na kutsilyo.

Agad naman isinugod sa ospital ang biktimang nagtamo ng saksak sa leeg, batok at mukha.

Kabilang sa sinisilip na motibo ang bullying. Iniimbestigahn din kung paano naipasok ng suspek ang patalim sa loob ng paaralan.

Nasakustodiya na ng City Social Welfare Office ang suspek na nadakip matapos ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *