BUKOD sa kinakaharap na impeachment charge, posible rin sampahan ng kasong tax evasion si Vice President Sara Duterte kaugnay ng nasa P111.85 million “gap” sa pagitan ng idineklarang kita at bank transactions.

Ayon kay trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang nakitang hindi pagkakatugma sa financial records ni Duterte ay hindi lamang nagpapatibay sa alegasyon ng unexplained wealth ng bise presidente kundi maging sa usapin ng pagbabayad ng tamang buwis.

Partikular na tinukoy ng trial spokesperson ang P174.96 million bank inflows ng bise presidente kumpara sa P63.11 million na idineklarang kita mula 2022 to 2025, o diperensyang P111.85 million.

Sa ginawang paghimay ni forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera, income tax returns, bank records at other financial documents ng nasasakdal sa Senate impeachment trial, ang halagang P111.85 million ay nakapaloob sa itinuturing niyang P817.87 million unexplained wealth at undeclared assets ni Duterte at mister na si Atty. Manases “Mans” Carpio.

Giit ni Alonto Adiong, nais ng tagausig na ipaliwanag ng akusado ang pinagmulan ng deposito sa bangko, gayundin kung bakit iba ang kabuuang halaga sa datos na isinumite sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Naninindigan ang prosekusyon na ang sinumang public officials ay dapat ipaliwanag ang deklaradong yaman at patunayan lehitimo ang pinagmulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *