MULING nanindigan si former Vice President, at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo na hindi na siya interesadong sumagupa sa 2028 presidential elections. Gayunpaman, nilinaw ni Robredo sa isang pulong-balitaan na handa siyang suportahan ang sinumang kandidatong karapat-dapat pagkatiwalaan ng sambayanan. Kabilang sa mga “pasok” sa kanyang pamantayan ng isang lingkod bayan sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Pasig City Mayor Vico Sotto at Senador Risa Hontiveros na aniya’y nagpahayag na ng interes tumayong pambato sa 2028 presidential elections. Malaki rin aniya ang potensyal nina Senador francis Pangilinan at Bam Aquino. “Nung magdesisyon ako tumakbo sa lokal, sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ko sasabak pa sa national,” wika ni Robredo. “Hindi ako tatakbo for president, hindi talaga ako tatakbo,” pagtatapos ng dating pangalawang pangulo. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Substitute nominee sa partylist system, kakalusin ng Comelec