MULING napatunayan kung gaano katibay ang pagiging magkasangga nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Habang patuloy na umiiwas sa publiko si Quiboloy napipintong warrant of arrest na kalakip ng extradition request mula sa Estados Unidos kaugnay ng kasong bulk cash smuggling, minabuti ng kontrobersyal na religious leader na italaga si Duterte bilang katiwala ng yaman ng KOJC.
Ayon sa anunsyo ng Sonshine Media Network Inc. (SMNI) na pinaniniwalaang pagmamay-ari rin ni Quiboloy, hinirang di umano si Duterte bilang administrator ng ari-arian ng KOJC.
Gayunpaman, wala ng iba pang detalye ibigay ang naturang istasyon.
Una nang iniutos ni Central District of California Judge Terry Hatter Jr., ang muling pagbubukas ng mandamiento de arresto laban kay Quiboloy at iba pang kapwa akusado sa asuntong bulk cash smuggling.
Nahaharap din sa Estados Unidos si Quiboloy sa iba pang kaso kabilang ang conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children at conspiracy.
Bukod kay Quiboloy, pasok din sa talaan ng mga akusado sina Helen Panilag at Teresita Tolibas Dandan na kasama ni Quiboloy sa wanted list na inilabas ng Federal Bureau of Investigation (FBI) kaugnay ng mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion; sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud at coercion.
Pebrero 2018 nang dakpin sa Hawaii si Quiboloy, Guia Cabactulan, Marissa Duenas, Amanda Estopare, Felina Salinas at Bettina Padilla Roces na pawang kinasuhan ng bulk cash smuggling matapos tumambad sa US Customs and Border enforcement agents ang limpak-limpak na salapi at mga armas sa private jet ni Quiboloy.
Todo-tanggi si Quiboloy sa lahat ng alegasyong aniya’y bunga ng pakikipagsabwatan ng Estados Unidos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta. Giit pa ni Quiboloy, kasabwat si Marcos sa planong pagpatay sa kanya.
Kamakailan lang sinampahan na rin ng kaso ng Department of Justice (DOJ) si Quiboloy para sa pangmomolestya ng mga menor de edad, paglabag sa Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law) at qualified trafficking.
Bagamat pirmado na ang hold departure order laban sa kontrobersyal na pastor, nananatiling misteryo kung nasa Pilipinas pa si Quiboloy na sinasabing nakapuslit na patungo sa bansang China.
