Poor Student with student’s uniform so tired of the exam. Lying down on the arm in the classroom. Sleepy student fall asleep during test at noon in the hot season.
Ni ESTONG REYES
SA gitna ng peligrong dulot ng matinding init ng panahon, hinikayat ng isang senador ang pamahalaan na ibalik munna ang blended learning system para tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante at guro sa mga pampublikong paaralan.
Bukod sa nakamamatay na alinsangan, tinukoy rin ni Senador Win Gatchalian na tumatayong chairman ng Senate Committee on Basic Education ang mabilis na paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng pertussis (labis na pag-ubo) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, maaaring magpatupad ang mga paaralan ng blended learning lalo na’t pinangangambahan natin ang banta ng pertussis at mas mainit na panahon. Ipagpapatuloy na natin ang edukasyon ng mga bata, mabibigyan pa natin ng prayoridad ang kanilang kalusugan at kaligtasan,” ani Gatchalian.
Sa Western Visayas, anim na lokal na pamahalaan ang nagsuspinde ng klase mula preschool hanggang senior high school (grade 12) noong Abril 1 bunsod ng mataas na temperaturang dala ng panahon at El Niño phenomenon.
Gayunpaman, una nang naglabas ang Department of Education (DepEd) ng isang Memorandum Order kung saan binigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan magsuspinde ng klase base sa rekomendasyon ng pamunuan ng nasasakupang pampublikong paaralan.
Para punan ang nabawas na araw sa klase, rekomendasyon ng DepEd magsagawa ng modular distance learning, performance tasks, o make-up classes.
