Ni LILY REYES
PUMALO sa 5,764 insidente ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, bukod pa sa nadagdag na bilang ng mga nasawi at nasugatan.
Ayon kay BFP spokesperson Annalee Atienza, hindi hamak na mas malaki ang naitalang insidente mula Enero hanggang sa pagtatapos ng Marso ngayong taon kumpara sa 4,477 sunog sa parehong panahon noong 2023.
Batay sa datos ng BFP, nasa 120 katao na ang nasawi habang 352 na iba pa ang nasugatan. Umabot naman sa P2.74 bilyon ang halaga ng pinsala sa nasunog na mga ari-arian.
Taong 2023 nang makapagtala ang kawanihan ng 79 casualties at 318 injured persons, habang nasa P2.37 bilyon naman ang kabuuang pinsala sa mga ari-arian.
