Ni ESTONG REYES
PARA kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, hindi angkop na ituloy ang isinusulong na Charter Change (ChaCha) ng Kamara kung ang mismong mga Pilipino naglabas na nng pagtutol sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.
Sa isang pahayag, hinikayat ni dela Rosa ang mga kapwa mambabatas na kaalyado ng administrasyon na dinggin sa saloobin ng mga mamamayan, base sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey kung saan lumalabas na 8% lang ang pabor sa ChaCha.
“Kung ganun talaga na mananatili ang stand ng taong bayan na ayaw talaga nila, that would be an exercise of futility kung itutuloy natin at gagastos lang tayo ng ganun kalaking pera eh sayang naman, wika ni dela Rosa sa isang panayam sa radyo kamakailan.
Inayunan din ni dela Rosa ang posisyon ni Senador Koko Pimentel na pagkatapos na lamang ng 2025 midterm elections pag-usapan ang ChaCha, lalo p[a’t nabahiran na ng maruming pulitika ang naturang usapin hinggil sa pagbabago ng 1987 Constitution.
“I agree with the minority leader, tama lang na ituloy natin yan after 2025.”
