Ni LILY REYES
TULAD ng inaasahan, pumasok sa kategorya ng dangerous heat index ang temperatura sa lungsod ng Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan.
Bukod sa Pangasinan kung saan nakapagtala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng nakamamatay na 47°C, nasa 23 iba pang lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng mala-impyernong init ng panahon.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng heat cramps at heat exhaustion ang Aparri sa Cagayan, Aborlan sa Palawan, Roxas City sa Capiz at Zamboanga City sa Zamboanga del Sur.
Umabot naman sa 42°C ang heat index sa Pasay City sa Metro Manila, Laoag sa Ilocos Norte Tuguegarao City sa Cagayan, ISU Echague sa Isabela, Clark sa Pampanga, Muñoz sa Nueva Ecija, Baler at Casiguran sa Aurora, Sangley Point sa Cavite, Tanauan sa Batangas, Coron at Puerto Princesa City sa Palawan, San Jose sa Occidental Mindoro, Virac sa Catanduanes, Masbate City sa Masbate, Pili sa Camarines Sur, Iloilo City at Dumangas sa Iloilo, at Catarman sa Northern Samar.
Una nang naglabas ng direktiba ang Department of Education (DepEd)para sa implementasyon ng distance learning dahil sa init.
Nagbabala na rin ang Department of Health (DOH) kaugnay ng mga peligrong kalakip ng matinding tag-init – heat cramps at heat exhaustion sa mga lugar kung saan rumehistro ang 42°C pataas na heat index.
Panawagan ng DOH, iwasan magbilad sa araw para maiwasan ang heat stroke.
